Kaso ng Dengue sa Bicol bumaba-DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Health (DOH) Bicol na bumaba na ang kaso ng dengue sa Bicol Region kung saan pumalo na lamang ito sa mahigit 200 ang nagkaroon ng nasabing sakit.


Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Maita Mortega, Dengue Regional Coordinator, base sa tala nasa 264 na ang nagkaroon ng dengue simula sa buwan ng Enero hanggang Abril 17 2021.


Aniya, mas mataas pa rin ang nakaraang taon kung ikukumpara ito sa kaparehong peryodo kung saan umabot sa 1,077 ang naitalang kaso ng naturang sakit.


Aabot din sa 1.136 ang fatality rates kung saan bahagyang tumaas ito.


Dagdag pa nito, nasa 133 ang tinaman ng nasabing sakit ang mga lalaki habang 131 naman ang mga babae .
Pinakabata na nagkaroon ng sakit na dengue ay nasa 4 na buwan pa lamang ito at 86 na taong gulang ang pinakamatanda ang nagkasakit sa dengue.


Pinakamaraming naitalang lalawigan na may kasong Dengue ang Camarines Sur na umabot ito sa 96, sinundan ito ng Camarines Norte na may 76, 39 sa Catanduanes, sa Sorsogon 27 at ang pinakakokonti na naitala ang Lalawigan ng Albay na may 10 kaso ng dengue.


Ayon pa sa DOH, karamihan sa mga tinamaan ng dengue ay nasa anim na taong gulang hanggang 10 taong gulang na bata.


Sinabi ng opisyal, ugaliin pa rin ang pagsasagawa ng 4s sa kanilang tahanan ay ang search and destroy, secure self protection, seek early consultation at ang ika huli ay ang support spraying to prevent impending outbreak upang maiwasan ang pagkakaroon ng kaso ng dengue sa loob at labas ng tahanan o maging sa mga barangay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *