Kaso ng Dengue sa Camarines Norte tumaas noong Enero

CAMARINES NORTE – Tumaas ang kaso ng Dengue sa Camarines Norte sa pagpasok pa lang ng 2024.

Batay sa datos ng Department of Health mula Enero 1 hanggang 27, 2024 pumalo sa 37 ang mga naitalang kaso ng dengue na pinakamataas sa Bicol.

Pinakaramami sa Daet na may 15 habang may apat sa Talisay, Mercedes at Basud. Tatlo naman ang naitalang kaso sa Labo at Vinzons, dalawa sa San Vicente at isa sa San Lorenzo Ruiz.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na may mga intervention na silang ginawa para mapigilan ang pagdami pa ng mga kaso.

Sa katunayan ay tatlong kaso lang ang naitala ngayong buwan o hanggang noong Pebrero 23.

Wala rin umanong namatay sa sakit at walang clustering of cases.

Ipinaalala naman ni Francisco ang mga hakbang para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng dengue at ito ang 4’ S.

Iniutos din nito ang pagsasagawa ng malawakang education campaign sa buong lalawigan para maitaas ang kamalayan ng bawat isa sa pag iwas sa sakit.

Pinaka epektibo pa rin aniyang hakbang kontra sa dengue ay ang kalinisan ng paligid at huwag hayaang may mapangitlogan ang lamok na nagdadala ng dengue.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *