Kaso ng gastroenteritis sa Baguio City, umakyat na sa halos 2, 800

Umakyat na sa halos 2,800 ang kaso ng gastroenteritis sa lungsod ng Baguio.

Sa ulat ng Health Services Office ng lungsod hanggang kaninang umaga , may kabuuang 2, 764 ang tinamaan ng sakit habang mahigit 600 naman ang nagpasuri sa doktor.

Nauna nang idineklara ng lokal na pamahalaan ang Gastroenteritis outbreak sa Baguio kasunod nang hindi pangkaraniwang diarrhea cases sa lungsod.

Aminado si Mayor Benjamin Magalong na may epekto ito sa kanilang turismo kaya tinututukan na kung saan nagsimula ang outbreak.

Kabilang na rito ang pagsasailalim sa pagsusuri sa tubig ng mga deep well sa Baguio at iba pang pinagkukunan ng tubig sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *