Local News

Kaso ng HMFD sa Central Luzon, higit 400 na

Aabot na sa 408 ang bilang ng mga tinatamaan ng hand, foot and mouth disease o HFMD sa Central Luzon, base sa datos ng Department of Health Region 3.

Pinaka maraming kaso nito ay sa lalawigan ng Bulacan na nasa 243, sinundan ng Pampanga na may 39 cases, 33 sa Nueva Ecija, 29 sa Zambales, 27 sa Bataan, 21 sa Tarlac at anim sa Aurora.

Ayon kay Kathleen Rodriguez, Program Coordinator ng Food and Waterborne Disease ng DOH Region 3, karamihan sa tinatamaan ng naturang sakit ay ang mga kabataan na school age at mga limang taong gulang pababa.

Ilan sa mga sintomas nito ay lagnat, sore throat, pagkawala ng ganang kumain, at ang mapupulang butlig o rashes sa paligid ng bibig, talampakan, at palad.

Maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng pag huhugas ng kamay, pag disinfect at pag isolate sa may sakit.

BNFM Pampanga

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

3 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

3 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

3 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

3 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

3 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

3 hours ago