Kaso ng Pertussis sa Bicol Region pumalo na sa 46; 2 patay

BNFM Bicol-PUMALO na sa 46 ang bilang ng mga tinamaan ng sakit na Pertussis o “whooping cough” sa buong Bicol Region simula Enero 1 hanggang Mayo 4, 2024.

Ito ay base sa inilabas na datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng DOH Bicol CHD na kanilang naitala ang pagtaas sa bilang ng mga kaso sa iba’t ibang mga probinsya sa Bicol.

Sa lalawigan ng Albay umabot na sa 19, Camarines Sur at Sorsogon na may parehong 12 mga kaso, 1 sa lalawigan ng Masbate habang wala namang naitalang mga kaso sa probinsya ng Catanduanes at Camarines Norte. Ito ay ang pinagsamang Clinical at Laboratory confirmed cases ng naturang sakit.

Ang Pertussis o whooping cough, ay isang malubhang nakakahawang impeksyon sa respiratory na dulot ng bacteria na Bordetella Pertussis nakaraniwang nakakaapekto sa mga bata, partikular na sa mga sanggol at batang wala pang kumpletong bakuna na kumakalat naman sa pamamagitan ng droplet transmission. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *