Kaso ng teenage pregnancy sa Naga City, bahagyang tumaas taong 2023; habang repeat pregnancy, bumaba

NAGA CITY – Bahagyang tumaas nitong nakaraang taong 2023, ang kaso ng teenage pregnancy o mga kabataang maagang nabubuntis sa Naga City, at nitong kakatapos pa lamang ng pagdiriwang ng Valentines Day o Araw ng mga Puso, hindi madetermina ng Naga City Population and Nutrition Office, kung may pagdagdag sa kaso dahil walang suportadong datus, lalo na’t ang naturang selebrasyon ay mas naging bukas ngayon sa mga kabataan hindi lamang sa mga mag-asawa.

Sa panayam kay Joy Macaraig, Population Program Officer IV, mataas ang 282 na datus kung ikukumpara sa taong 2022 na nasa 264, ang mga maagang nabubuntis, ngunit sa kabila nito hindi gaanong ikina-aalarma ng opisina, lalo na’t patuloy ang kanilang mga programa, plano at interbensyon.

Ayon pa sa opisyal, ang mas tinututukan nila ngayon ay ang repeat pregnancy ng mga kabataang maaagang nabubuntis, kahit mababa sa nakaraang taon na nasa 238 ang kaso, at nag-eedad pa labing siyam pababa, ibig sabihin marami at patuloy pa ring na-eegage ang mga ito sa pre-marital sex kung saan ang karamihan ay walang sapat na kaalaman hinggil sa usapin. Kung kaya’t tuloy din ang kanilang information dissemination at counseling hindi lang sa mga kabataan maging sa mga magulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *