Kaso ng violence against women sa Cauayan City, nadagdagan ngayong 2021

Nadagadagan ang naitalang kaso ng Violence Against Women sa lunsod ng Cauayan ngayong taon batay sa record ng Woman and Children Protection Desk, Cauayan City Police Station.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Information Officer Plt. Scarlette Topinio, base aniya sa record, noong nakaraang taon ssimula sa buwan ng Enero hanggang Nobyembre ay nakapagtala ng 13 cases habang 14 cases ang naitala ngayong taon sa kaparehong panahon.

Aniya, ang kanilang nakikitang dahilan kung bakit humahantong sa pang-aabuso sa panig ng mga kababaihan ay dahil sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mag-asawa o mag-partner.

Madalas aniya sa kanilang naitatalang kaso ay physical abuse, psychological at financial abuse.

Ayon pa kay PLt. Topinio, bagaman isa lang ang itinaas sa record ngayong taon hindi naman aniya sila nagkukulang sa patuloy na maigting na pakikipagdayalogo ng kapulisan sa mga residente.

Katunayan ay isinasagawa nila ang information dissemination at pakikipag-ugnayan sa mga kababaihan at kalalakihan kasabay ng kanilang barangay visitation.

Ilan naman aniya sa mga naitatalang kaso ay naisasampa sa korte habang ang iba ay iniuurong din ng mga nagrereklamo.

Subalit ang problema lang aniya, kalaunan ay bumabalik din sa pang-aabuso kaya naman payo ni PLt. Topinio sa mga kababaihan o sa kanilang mga anak na huwag hahayaang nauulit ito at walang makakatulong sa kanila kundi ang kanila ring sarili mismo.

Huwag din aniya silang matakot na lumapit at humingi ng tulong sa kapulisan dahil tiniyak nito na lahat ng mga naisusumbong o naipaparating sa PNP Cauayan ay kanilang aaksyunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *