Kasunduan ng South at North Korea sa economic cooperation, winakasan na

Nagpasya sa isang botohan ang Supreme People’s Assembly ng North Korea na wakasan na ang lahat ng kasunduan na nilagdaan kasama ang South Korea sa pagsusulong ng economic cooperation.

Bukod pa rito, pinaboran din ng assembly na alisin ang mga batas na namamahala sa economic ties sa Seoul tulad ng special law sa operasyon ng Mount Kumgang tourism project.

Maalalang sinuspinde ng pansamantala ang proyekto na ito noong 2008 nang nabaril at mapatay ng North Korean guards ang isang South Korean na napadpad sa restricted zone.

Kasunod nito ang pagwakas rin noong 2023 ng military pact na nilagdaan ng dalawan noong 2018, na nilalayon sanang ibsan ang tensyon sa kani-kanilang military borders.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *