Katawan ng lalaking nalunod sa Garchitorena, Camarines Sur, natagpuan na

Makalipas ang halos apat na araw, natagpuan na kahapon, Marso 19, 2024 ang katawan ng isang tatloumpitong taong gulang na lalaki sa Garchitorena, Camarines Sur, na pinaniniwalaang inatake ng epilepsy at saka nalunod.

Sa isinagawang retrieval operation ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, wala nang buhay ang katawan ng biktimang kinilalang si Jeffrey “Ople” Fuentes ng Barangay Sumaoy.

Ayon kay Police Executive Master Sergeant Elogio Biando, ang tagapagsalita ng Garchitorena Municipal Police Station, lumalabas sa kanilang imbistigasyon na hapon ng Byernes, Marso 15, kasama ng biktima ang ina nito sa dalampasigan habang nagsasaayos ng mga gamit na pangkuha ng seaweed, makalipas ang ilang sandali ay hindi na namalayan ng ina nito na wala na pala ang biktima at pinaniniwalaang inataki ng sakit nito at saka tinangay ng agos.

Kaugnay nito, pinag-iingat naman ng mga awtoridad ang publiko partikular na ang mga eskursyunista lalo na ngayong summer vacation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *