Kathryn Bernardo, diretsahang sinabi na naka-move on na

“I know that I’m okay. I can say I’m healed.”

Ito ang sinabi ng aktres na si Kathryn Bernardo ukol sa paghihiwalay nila ng kanyang dating boyfriend na si Daniel Padilla.

Ipinamalas niya ang kanyang toned physique sa isang magazine, kung saan niya rin ibinunyag ang mga bago niyang ginagawa sa buhay matapos ang kanyang breakup.

Kabilang na rito ang pag te-tennis at pagja-jogging ng tatlong beses sa isang linggo.

Sinabi ni Bernardo na natutunan niya kung paano mag-compartmentalize, na nagpapahintulot sa kanyang sarili na makaramdam nang hindi hindi isinasakripisyo ang kanyang trabaho at iba pang mga obligasyon.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *