Kathryn Bernardo – ‘new look’ matapos ang hiwalayang KathNiel

Matapos ang ilang araw na public confirmation ng hiwalayan ng KathNiel, tinatanggap ni Kathryn Bernardo ang isang bagong kabanata sa kanyang buhay na may new look.

Sinorpresa ni Kathryn Bernardo ang mga netizens lalo na ang kanyang mga taga-suporta sa pagbabago ng kanyang hairstyle.

Sa Instagram post, ibinahagi ni Kathryn ang kanyang autumn orange hair na may caption – Sana makilala pa siya ni Santa ngayong Pasko sa kanyang orange hair.

Nagpasalamat si Kath sa kanyang hairstylist na si John Valle para sa kanyang haircut at kay Jhen Maningas Hizon para sa kulay ng kanyang buhok.

Umani ng higit 1M likes sa Instagram ang post ng aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *