‘Katok-katok’ isyu sa Ligao City, pinabulaanan ng pulisya

LEGAZPI CITY – Pinabulaanan ng Ligao City Police Station ang mgakumalat na ‘Katok-katok’ isyu sa lugar na nagbigay ng takot sa mga residente ng lungsod. Tinawag ito ng pulisya na ‘fake news’ sapagkat wala umano itong katotohanan. Dahil dito, nagpaalala ang himpilan na ang pagpapakalat ng fake news ay isang krimen at dapat itong itigil, dahil nagdudulot ito ng takot sa publiko. Maliban dito, ipinaalala pa ng himpilan na maging mapanuri sa mga nababasa online at huwag basta-basta maniniwala o huwag agad mag-share lalo na kung hindi naman beripikado ng mga otoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *