Kauna-unahang Agri Festival inilunsad sa Olongapo

Inilunsad ng Olongapo City Agriculture Office ang kauna-unahang agriculture festival sa lungsod.

Kaninang alas sais ng umaga ay binuksan ang aktibidad sa covered court ng Marikit Park.

Ibenenta dito ang mga lokal na produkto ng mga mangingisda at magsasaka ng Olongapo.

Karamihan sa mga ibinababa ay gulay, isda, karne at iba pang pagkain na nabibili sa mas mababang halaga.

Layon nitong makilala ang mga agricultural products ng syudad at mabigyan ng pagkakataon ang mamamayan ng makabili ng murang produkto.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *