Kauna-unahang DNA vaccine kontra COVID-19, inaprubahan sa India

Inaprubahan na ng Drug regulator ng India ang unang DNA vaccine laban sa COVID-19 para sa emergency use.

Ayon sa interim study ng vaccine maker na Cadila Healthcare, ang 3-dose ZyCoV-D vaccine ay napipigil ang mga symptomatic disease ng aabot sa 66% ng mga nabakunahan na.

Kinumpirma ng Cadila Healthcare na nakapagsagawa na sila ng pinakamalaking clinical trial para sa bakuna sa India kung saan umabot sa 28,000 volunteers ang sumali sa mahigit 50 centers.

Ito din ang unang COVID-19 vaccine na sinubukan sa mga younger population kung saan 1,000 na mula sa edad 12 hanggang 18 ang kasama at napatunayang safe.

Kaugnay nito ay plano ng kompanya na makagawa ng 120-million doses kada taon

Sa kasalukuyan ay nakapagmahagi na ng 570-million doses ang India gamit ang tatlong aprubadong bakuna kabilang ang Covishield, Covaxin at Sputnik V.

Nasa 13% ng mga adults ang fully vaccinated na habang nasa 47% ang nakatanggap ng unang dose mula noong Enero ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *