Kauna-unahang Miss Universe candidate ng Saudi Arabia, sasabak sa ika-73 MU pageant

Gagawa ng kasaysayan ang isang professional beauty queen mula sa bansang Saudi Arabia na si Rumy Alqahtani dahil sa unang pagkakataon ay sasabak ang Islamic na bansa sa prestihiyosong Miss Universe 2024.

“I am honored to participate in the Miss Universe International 2024 competition,” sinabi ni Alqahtani sa kaniyang Instagram post na nakasulat sa Arabic.

Ayon sa isang lathalain, hindi na bago sa industriya ang Saudi Arabian Beauty queen dahil sumali na ito sa Miss Planet International pageant sa Cambodia, Miss Woman International Beauty Contest sa Rome, Miss Global Asian sa Malaysia, at marami pang iba.

Gaganapin ang ika-73 Miss Universe sa bansang Mexico. ### JEREMY LESNIANA, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *