Kauna-unahang Onion Harvest Festival isinagawa ng San Marcelino

Nagsagawa ang San Marcelino Municipal Agriculture Office ng kauna-unahang Onion Harvest Festival at Field Day.

Ito ay isinagawa sa Albert Apano farm sa Barangay Linusungan kahapon, araw ng Huwebes.

Ito ay may kaugnayan sa produksyon ng sibuyas sa bayan kung saan ang resulta nito ang magtutukoy ng angkop na uri ng sibuyas na magiging basehan naman ng mga interbensyong maaaring ibigay ng Department of Agriculture bilang suporta.

Itinampok sa aktibidad ang kakayahang makapag-produce ng ibang commodity katulad ng sibuyas ang bayan ng San Marcelino na mas kilala sa pagpapalay.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *