Kauna-unahang Peace and Development Center sa Northern Luzon, itatayo sa Baguio City

Nakatakdang itayo sa Baguio City ang kauna-unahang Peace and Development Center sa Northern Luzon.

Pinangunahan ni Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity o OPAPRU chief Secretary Carlito Galvez Jr. at Mayor Benjamin Magalong ang groundbreaking rites at nilagdaan ang memorandum of agreement para sa pagtatayo ng pasilidad.

May pondo itong PHP50 milyon at itatayo sa Upper Session Road sa Baguio.

Ito ay bahagi ng PAyapa at MAsaganang Pamayanan (PAMANA) Program ng pamahalaan ngayong taon, na naglalayong suportahan ang pangmatagalang proseso ng kapayapaan at pag-unlad sa bansa.

Ayon kay Sec. Galvez, ang peace center ay magsisilbing concrete symbol ng pagkilala ng OPAPRU sa pangunahing papel ng Cordillera sa peacebuilding na nakaugat na sa mayamang kultura at tradisyon nito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *