Kauna-unahang ‘Program on Awards and Incentives for Service Excellence’ (PRAISE), isinagawa ng LGU Daraga

LEGAZPI CITY – Isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Daraga, Albay ang kauna-unahang Program on Awards and Incentives for Service Excellence’ (PRAISE).

Ginanap ang aktibidad sa Municipal Hall Building ng naturang bayan pagkatapos ng flag raising ceremony.

Layunin ng aktibidad na ito na mabigyan ng nararapat na pagkilala at insentibo ang mga karapat-dapat na mga permanentng empleyado ng LGU, nasa contract of service o mapa-job order man.

Ilan sa mga pinarangalan ay ang mga nakapasa sa mga board at licensure examination at mga achievers kung saan sila ay nakatanggap ng certificate, customized mug at cash incentives.

Ang naturang aktibidad ay inanunsyong gagawin tuwing Lunes ng buwan at sa buwan ng Disyembre 2023 ay inaasahang magkakaroon ng Year-End Evaluation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *