Kauna-unahang watusi ingestion, naitala na ng DOH

Umakyat na sa 88 ang bilang ng mga fireworks-related injuries sa bansa, apat na araw bago ang pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa tala ng Department of Health, mayroong bagong 13 cases ng mga nasugatan nang dahil sa paputok.

Kabilang sa mga pinakabagong insidente ay ang isang apat na taong gulang na batang nakalunok ng watusi mula sa CALABARZON.

Pinakamarami pa ring mga kaso ay nagmula sa Metro Manila, na sinundan ng Central Luzon, at ng Ilocos Region.

Pangunahing pinagmulan ng mga injuries ay dahil sa mga iligal na paputok gaya ng Boga, 5-Star, Kwitis, Piccolo, at Pla-Pla, pati na rin ang Whistle Bomb, at Luces.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *