KC Concepcion, inalala ang dating mga liham sa ina

Ibinahagi ni KC Concepcion sa kanyang Instagram post ang kanyang mga sulat sa inang si Sharon Cuneta noong bata pa siya.

Makikita sa post ang mga litrato ng kanyang baby photos kasama ang magulang nito.

Ayon sa isang linya mula sa sulat, ‘Sana papa stays with us so we will be a complete family like what you said in your letter’

Caption naman ni KC sa kanyang post, minsan talaga ang fairytale natin sa buhay ay mananatiling fairytale na lamang.

Samantala, magkakaroon naman ng reunion concert ang kanyang mga magulang na sina Sharon at Gabby bukas sa Mall of Asia Arena (MOA).

Sa ngayon, hindi pa isinapubliko kung kasama ba si KC bilang guest sa reunion concert ng iconic 80’s love team.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *