KC Concepcion, nagtungo sa US para sa kaniyang unang foreign trip matapos ang mahigit isang taon

Nakabalik na ang aktres na si KC Concepcion sa Estados Unidos matapos tumagal ng mahigit isang taon ang hindi niya pagbyahe internationally dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Concepcion ang mga litrato ng kaniyang byahe papuntang Los Angeles.

Habang nasa US ang aktres para sa trabaho ay makikita sa isa sa kaniyang posts na nakipagkita ito sa kaniyang mga kaibigan para magsaya.

Sa ngayon ay ay hindi pa nakikipagkita muli si Concepcion sa kaniyang ina na si Sharon Cuneta, na nasa US rin ngayon.

Matatandaan na nagtungo si Cuneta sa US para sa isang personal na byahe nang hindi kasama ang kaniyang pamilya.

Magugunita na sinabi ni Sharon na meron siyang proyeko sa US na naunsyame dahil sa false positive na resulta ng kaniyang COVID-19 test.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *