Kevin Quiambao, babawi sa kanyang pamilya matapos ang panalo sa UAAP

Babawi muna si UAAP Season 86 Most Valuable Player Kevin Quiambao sa kanyang pamilya matapos inihatid sa panalo ang La Salle Green Archers.

Ibubuhos din ng MVP ang kanyang oras sa ina na umuwi pa mula Japan para masilayan ang laro ng kanyang anak.

Plano rin ni Kevin na magbakasyon sa Land of the Rising Sun – Japan.

Nabatid na mula sa pagiging Rookie of the Year sa Season 85 ay bahagi rin ang DLSU Big Man ng Gilas Pilipinas Team na naglaro sa FIBA Asia Cup at FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Maaalala, tinapos ni Quiambao ang laro kontra UP Fighting Maroons sa dalawang malinis na free throws para sa huling score na 73-69.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *