Kevin Quiambao, ibabalik ang apoy ng La Salle sa Game 2 ng UAAP

Nangako si Kevin Quiambao na ibabalik nito ang apoy ng La Salle Green Archers sa Game 2 ng UAAP Season 86 Finals.

Ayon kay Quiambao, asahan ng mga fans na ibang-iba ang ipapakita niya sa Game 2 kumpara sa Game 1 kung saan tinambakan sila ng UP Fighting Maroons sa iskor na 97-67.

Umamin ang La Sallian na nadismaya rin siya sa kanyang performance sa Game 1.

Sinabi ng player na nagulat siya sa ipinakita ng kanilang kalaban lalo na sa kanyang National University High School teammate na si Reyland Torres.

Aniya, hindi raw siya nakapag-adjust kaagad at kailangan na nitong mag-move on sa laro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *