Kick-off ng mall voter registration sa Legazpi City, dinagsa

LEGAZPI CITY – Nagsimula na ngayong araw ang mall voter registration sa lungsod ng Legazpi, kung saan dagsa na rin ang mga magpaparehistro at ang mga maga-apply para sa iba pang serbisyo.

Matatandaan kasing inanunsyo kamakailan ng Commission on Elections (COMELEC) Legazpi na epektibo na rin ngayong araw ang Register Anywhere Program, kung saan, maaaring makapagparehistro ang sinumang hindi residente ng lungsod sa ilalim ng nasabing programa.

Maliban sa registration, bukas din ang programa sa aplikasyon para sa pagpa-transfer, correct at update ng registration record.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay COMELEC Bicol Regional Director Ma. Juana Valeza, sinabi nito na maliban sa mga nabanggit, ang mga dati nang botante, maaari nang makapag-avail ng kanilang voter’s certificate nang libre.

Sinabi niya, ang voter’s certificate ay magsisilbi nang ID dahil hindi na sila nagi-isyu ng voter’s ID, na magagamit sa anumang transaksyon sa gobyerno lalo na kung maga-apply ng passport.

Samantala, inihayag din ni Valeza, sa ngayon, sa buong rehiyon, ay wala pa naman silang nababalitaang hindi nagsasagawa o hindi nag-operate para sa unang araw ng voter registration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *