Kiefer Ravena, kailangan sumunod sa kontrata kasama ang NLEX matapos ang pagpirma nito sa Japan

Inihayag ng NLEX Road Warriors na kailangan ni Kiefer Ravena na sumunod sa mga termino ng kanyang kontrata at sa mga polisiya ng Philippine Basketball Association (PBA) sa gitna ng kanyang pagpirma ng kasunduan sa Japan Professional Basketball League.

Sinabi ng NLEX na sinusuportahan nito ang kagustuhan ni Ravena para sa personal advancement.

Gayunman, bilang miyembro ng PBA, ay tungkulin nila na sumunod sa mga patakaran at regulasyon na sinusunod ng liga.

Una nang binigyang diin ni PBA commissioner Willie Marcial na hindi pwedeng maglaro si Kiefer sa Japan dahil may live contract ito kasama ang NLEX.

Mababatid na sumunod si Kiefer sa yapak ng kanyang nakababatang kapatid na si Thirdy, matapos niyang pumirma ng kontrata sa B. League team na Shiga Lakestars sa ilalim ng Asian player quotas nito.

Kung maalala ay pumirma muli si Thirdy ng kontrata kasama ang San-En NeoPhoenix.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *