Human Interest

KILALANIN: 100 y/o, world’s oldest power lifter ng Guinness

FLORIDA—Kalabaw lang ang tumatanda. Ito ang pinatunayan ng isang lola sa Florida, USA matapos siyang kilalanin bilang world’s oldest competitive power lifter ng Guinness Book of World Records.

Kayang kaya pa kasi ng 100 taong gulang na si Edith Murway-Traina na magbuhat ng barbell, sumayaw at gumawa ng iba’t-ibang physical activities.

Sa Linggo, August 8 ay eksaktong 100 taong gulang na si Murway-Traina.

Taong 2019 nang huli siyang sumabak sa power lifting sa edad na 98 years and 94 days old daan para siya ay kilalanin ng Guinness.

Posibleng mabasag pa nito ang kanyang sariling record dahil nakatakda siya muling sumabak sa lifting competition sa Nobyembre.

Sa kanyang mga naging kumpetisyon ay umaabot sa 40-150 pounds ang kanyang binubuhat dahilan para mag-uwi siya ng maraming mga tropeyo na halos hindi na magkasya sa mga silid sa kanyang bahay.

Bago nagkainteres sa lifting ay matagal na naging dance instructor si

Murway-Traina hanggang sa nayaya siya ng kanyang kaibigan sa gym noong siya ay 91 taong gulang. Dito na nagsimula ang kanyang interes sa power lifting.

Patunay si Murway-Traina na walang edad sa mga taong may nais gawin at nais pang marating sa buhay. || Shiela Madrigalejos

BNFM Bicol

Recent Posts

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

20 mins ago

‘Internal agreements’ sa pagitan ng China at PBBM admin – pinabulaanan ng DND

Walang alam o hindi kabilang ang Department of National Defense sa internal agreement sa pagitan…

45 mins ago

Mga barko ng PH, Amerika, at France – tuluy-tuloy sa karagatang sakop ng Palawan

Nagpapatuloy ang Multilateral Maritime Exercise ng mga barko ng Pilipinas, US at France sa karagatang…

57 mins ago

Taiwan – muling niyanig ng magkakasunod na lindol

Muling niyanig ng magkakasunod na lindol ang Taiwan. 'Di pa rin natatapos ang serye ng…

1 hour ago

P15.5B na disaster relief fund, naka standby para sa El Niño

Tiniyak ni Department of Budget and Management (DBM) ang suporta ng pamahalaan para sa mga…

2 hours ago

Pilipinas, hindi pa umano handa sa paggamit ng nuclear power plant

Maraming nang mga bansa na ang naging bukas sa paggamit ng nuclear power dahil na…

2 hours ago