Kilalanin ang karapatan ni Quiboloy – Tolentino

Binigyang-diin ni dating Blue Ribbon Committee, chairperson, Senador Francis Tolentino na ang tungkulin lang ng Senado sa isang pagdinig ay magsagawa ng imbestigasyon at hindi mangkondena ng isang indibidwal.

Ayon kay Tolentino, ang Korte Suprema lang ang may karapatang magdesisyon kung nagkasala ang isang tao sa ilalim ng batas at magpataw ng parusa rito.

Kaugnay nito, hinimok niya ang komite ni Senadora Risa Hontiveros na kilalanin ang karapatan ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kase sa senador, bago siya bumaba sa pwesto noon bilang chairman ng Blue Ribbon Committee ay inihain niya ang isang alintuntunin na naglalayong kilalanin ang karapatan ng mga resource person o witness na ayaw humarap sa pagdinig.

Kaugnay nito, binigyan niya ng tip ang kampo ni Quiboloy na pupwede nila itong gamitin at maghain ng kanilang memorandum.

Maalala, kamakailan ay naghain ng subpoena laban kay Quiboloy si Hontiveros na nag-oobliga rito na humarap sa kanilang komite.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *