Kim Chiu at Paulo Avelino, kapwa nagka-COVID

Parehong hindi nakapunta sa isang teleserye presscon sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Nabatid na kapwa nagpositibo sa COVID-19 ang dalawa.

Ayon kay Kim, kahit na gustong-gusto na ng dalawa makita ng personal ang fans ay Zoom meeting lamang daw muna para hindi sila makahawa.

Pabiro pang sinabi ng host ng presscon na ‘sabay pa talaga kayong nagkasakit ah.’

Habang ang mga netizens naman ay napataas ang kilay at napatanong kung sobrang close na ba ng dalawa kaya’t nagkahawaan na sila.

Kayo na ang humusga mga Ka-Brigada kung for promotion o may namumutawi nang nararamdaman ang dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *