Kim Chiu at Ryan Bang, nagkaroon ng tampuhan

Ibinunyag ni Ryan Bang na nagkaroon sila ng tampuhan ng co-host at bestfriend na si Kim Chiu.

Ito’y matapos i-reveal nila Vhong Navarro at Ogie Alcasid na mahigit tatlong linggo nang hindi nagpapansinan sina Kim at Ryan.

Dinepensahan ni Ryan ang mga paratang na nag-away sila ni Kim, at sinabing nag-tampo lamang siya dahil sa hindi nila pagkakasunduan.

Aniya, nag-request siya kay Kim na huwag munang i-kwento sa publiko ang relasyon niya sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Pribado raw kasi ang kanyang nobya, pati na rin ang kanyang pamilya.

Ngunit masyado raw na-excite si Kim kaya’t hindi napigilang mag-share ng mga private details hinggil sa relasyon nila.

Sa huli, sinabi nitong bestfriends pa rin sila ni Kim at never sila mag-aaway.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *