Showbiz

Kim Kardashian, Mayweather kinasuhan dahil sa pagpromote sa crypto token

Nahaharap sa kaso ang reality TV star na si Kim Kardashian at boxing legend Floyd Mayweather Jr. dahil nililito umano ng mga ito ang mga investors sa kanilang promotion ng cryptocurrency token.

Ang kaso na inihain noong Jan. 7 sa Los Angeles federal court, ay nag-gigiit na ang naturang mga celebrities nagpo-promote ng tokens na ibenebenta ng EthereumMax, o EMAX, upang mapalakas ang kanilang presyo at kumita sa pamamagitan ng kanilang mga followers at investors.

Nakasaad sa lawsuit na ang executives ng kompaniya, sa pakikipag-collaborate sa ilang celebrity promoters ay gumawa ng false o misleading statements hinggil sa EthereumMax sa pamamagitan ng social media advertisements at iba pang promotional activities.

Batay pa dito, nagpromote si Kardashian ng EthereumMax noong June 2021 na ipinost sa kanyang Instagram, nung siya ay mayroong 250 million followers, habang si Mayweather naman ay nagpromote umano nito sa kanyang boxing trunks sa isang widely viewed fight laban kay YouTube star Logan Paul noong Hunyo.

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

18 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

18 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

18 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

18 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

18 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

19 hours ago