King Charles III, personal na nakipagpulong kay Prime Minister Sunak

Personal na nakipagpulong si King Charles III kay British Prime Minister Rishi Sunak, na nagsilbing una nilang pagkikita matapos ianunsyo ng hari na na-diagnose siya ng sakit na cancer.

Isinagawa nila ito sa Buckingham Palace matapos dumalo ng hari sa isang church service sa Sandringham sa silangang England.

Tiniyak naman ni Sunak kay King Charles na buong bansa ang sumusuporta at nagdarasal na gumaling na siya mula sa kanyang sakit.

Saad naman ng hari, marami na siyang natanggap na mensahe tungkol sa kanyang karamdaman at lubos niyang pinsasalamatan ang publiko hinggil rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *