King Charles – na-diagnose na may cancer

Kinumpirma ng Buckingham Palace na na-diagnose si King Charles ng isang uri ng Cancer.

Dahil dito, ipagpapaliban na muna ng Palasyo ang lahat ng kaniyang mga public engagements at duties habang dumaraan sa pagpapagamot.

Sa ngayon, ‘di pa kinukumpirma ng Royal Family kung anong uri ito ng cancer, ngunit matatandaaang katatapos lamang ng kaniyang treatment para sa enlarged prostate nitong nakaraang buwan.

Si King Charles na 75-anyos, ay kauupo lamang sa puwesto nitong Setyembre ng 2022; 18 buwan matapos ang pagkamatay ng kaniyang ina na si Queen Elizabeth.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *