King Harald ng Norway, babawasan na ang mga opisyal na aktibidad

Babawasan ang bilang ng mga opisyal na aktibidad ng 87-taong-gulang na si King Harald ng Norway matapos nitong ibahagi ang kanyang sakit kamakailan.

Maalalang naospital noong Pebrero ang pinakamatandang nabubuhay na monarko sa Europa para sa isang impeksyon habang ito’y nagbabakasyon sa Malaysia.

Ipinagpatuloy naman ni Harald ang kanyang mga tungkulin sa konstitusyon bilang pinuno ng estado noong Lunes pagkatapos ng halos dalawang buwang pamamahinga.

Si Harald ay hindi na nakita sa publiko mula noong umalis ito para sa kanyang bakasyon noong Pebrero. Umuwi siya noong nakaraang buwan sakay ng isang medical evacuation flight.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *