“King Of Make-Up Transformation” na si Paolo Ballesteros, pinabilib na naman ang mga netizen online

Muli na namang pinabilib ni Paolo Ballesteros ang kanyang mga fan matapos na mag-transform bilang isang Barbie.

Sa kanyang Instagram account binahagi ng aktor ang kanyang mga larawan na may caption na “I’m a VORBIE gurl #barbiemakeuptransformation #VortangBarbie.”

Kilala si Ballesteros sa panggagaya ng mga sikat sa pamamagitan ng pag-make-up.

Ilan sa mga nauna na niyang ginaya ay ang ilan sa mga international star gaya nina Angelina Jolie, Beyonce, Kim Kardashian, Taylor Swift, at maging si Vic Sotto, Regine Velasquez at Maine Mendoza ginaya niya na rin.

Nagpapatunay lamang na siya pa rin ang “King of Make-up Transformation.” ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *