Kinilalang henyo at “China’s Youngest Student Graduate”, mas pinili na mamuhay ng simple at walang trabaho

Isang binata sa China kamakailan ang naging usap-usapan dahil sa mistulang pagbabago ng pananaw nito sa buhay.

Simula’t sapul ay itinuring itong isang henyo dahil sa kaniyang kakaibang katalinuhan na talagang hinahangaan ng karamihan.

Sa musmus na edad na 5-taong gulang ay pumasok na siya bilang grade 1 at kalauna’y na-accelerate agad sa grade 5.

Ang nakamamangha pa rito ay 10-taong gulang pa lamang siya ay isa na siyang mag-aaral sa kolehiyo at nang humantong sa 13-taong gulang pumasok na ito agad sa graduate school.

Sa kadahilanang ito, kinilala si  Zhang Xinyang bilang “China’s youngest student graduate”.

Sa taong 16 naging doctorate student na siya sa kuronsong Apllied Mathematics.

Nagtuloy-tuloy nga ang kaniyang magandang kapalaran hanggang sa siya’y magkatrabaho, ngunit makalipas ang dalawang taon tila nag-iba ang pananaw niya sa buhay at naging jobless.

Sinisisi umano ni Zhang ang kaniyang mga magulang dahil sa mistulang siya ang pumapasan sa mga hindi natupad na pangarap ng kaniyang ama na hanggang sa kaniyang paglaki ay tila sila na ang dumidikta sa kung anong dapat niyang maabot sa buhay.

Sa ngayon, maayos naman umano si Zhang sa kaniyang simpleng pamumuhay kahit marami ang nanghihinayang dahil sa kaniyang katalinuhan kung saan, ayaw niya namang marinig na tinatawag siyang isang henyo.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *