Kiray Celis, niregaluhan ang kanyang ina ng P56,000 para sa 56th birthday nito

Hangga’t maari ay nais ng aktres na si Kiray Celis na iparamdam sa kanyang mga magulang ang kanyang pagmamahal lalo na at tumatanda na sila.

Sinabi ni Kiray sa kanyang vlog na life is too short, at gusto niya na malaman ng mga magulang niya na mahalaga sila sa kanyang buhay.

Sa vlog post ng aktres ay makikita na binigyan nito ang kanyang ina ng litson na naglalaman ng P1,000 bills at lobo na naglalaman na P6,000 cash.

Kung susumain ay aabot sa P56,000 ang ibinigay nito sa kanyang ina bilang regalo sa ika-56 na kaarawan nito.

Mababasa sa caption ng post ni Kiray, “56k dahil 56 years old na si mama! Kabog tong lechon money pulling! Kita niyo mukha ng papa ko?! Walang kainggit inggit sa katawan yan…”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *