Klase sa Sagñay , Camarines Sur sinuspinde

NAGA CITY- Sinuspinde ang klase sa ilang paaralang pang elementarya sa Sagñay, Camarines Sur dahil sa pagbabaha.

Ang mga esklwelahang ito ay ang Aniog, Patitinan , Bongalon at Sibanguan Elementary School. Malakas na buhos ng ulan ang naranasan sa probinsya kaninang umaga, ayon sa PAGASA easterlies ang nakakaapekto sa Bicol Region.

Umikot ang mga personahe ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga landslide at flood prone areas. Ayon kay LDRRMO Engr. Analyn  Jesalva nag-antabay ang operations unit sa pangununguna ni Noli Pielago, nagbantay din sa lugar na madalas nakakapag rehistro ng pagguho ng lupa sa bahagi ng Sagñay- Tiwi, Albay road.   Maging alerto at mag-ingat ang payo ng MDRRM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *