KOJC Leader Pastor Quiboloy – hinamong dumalo sa susunod na pagdinig ng Senado

Tiniyak ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, Chairperson, Senadora Risa Hontiveros na naghain na sila ng subpoena laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Apollo Quiboloy.

Ito ay alinsunod sa imbestigasyon laban sa kanya dahil sa hinihinalang pagkasangkot nito sa large-scale human trafficking, rape, sexual abuse at child abuse.

Bagamat hindi pa ito tuluyang napipirmahan ni Senate President Migz Zubiri ay magpapatuloy pa rin umano ang pagdinig dito sa darating na Lunes.

Kaugnay nito, hinamon ni Hontiveros si Quiboloy na dumalo at managot sa sistematikong pang-aabuso nito sa mga kababaihan at kabataan.

Ayon pa sa senadora, kung wala namang tinatago si Quiboloy ay dapat lang nitong humarap sa Senado upang linis ang kanyang pangalan kahit wala pang pormal na subpoena.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *