Komprontasyon, nauwi sa pamamaril; biktima, patay

Nauwi sa pamamaril ang sana’y komprontasyon lamang sa Purok 1, Brgy Tugos, Sorsogon City.

Ang biktima ay kinilalang si Donnie Dean Malayo Benitez, 51-anyos, may asawa, bus driver at naninirahan sa Brgy Salvacion, Pamplona, Camarines Sur.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, naganap ang pamamaril alas 2:30 ng madaling araw kahapon.

Nakatanggap umano ng tawag ang himpilan ng Sorsogon City Police Station tungkol sa isang shooting incident sa nasabing lugar at nang rumesponbde ang mga awtoridad ay nadatnan nila ang biktima na nakahandusay sa lupa, duguan at may mga tama ng bala sa katawan nito.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na bago ang pamamaril ay nagkaroon muna ng mainit na komprontasyon ang biktima at suspek.

Sa update na nakuha ng Brigada News, identified na ang suspek at kasalukuyang tinutigus na ito ng tracker team ng SCPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *