Kongresista – may babala sa COMELEC matapos ang suspension ng PI proceedings

Hindi sinang-ayunan ni Albay Rep. Joey Salceda ang naging desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na suspendihin ang lahat ng proceedings kaugnay ang poeple’s initiative para amyendahan ang Konstitusyon.

Ayon kay Salceda, hanggat natutugunan naman ang mga requirements at procedures, dapat pahintulutan ng Comelec ang naturang hakbang.

Dahil dito, nagbabala ang opisyal sa ahensya lalo pa’t baka hindi raw ito tanggapin sa korte.

Ani Salceda, kailangan munang hintayin ang Comelec sa opisyal nitong anunsyo kaugnay ang suspensyon.

Samantala, nanindigan naman ang Comelec na ang ginawa nilang suspensyon ay upang bigyang-daan ang pag-aaral at pag-amyenda sa mga alituntunin hinggil sa inisyatibo bilang bahagi ng kanilang mandato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *