Konsehal Damasco, nais imbestigahan ang bumagsak na rocket dibres sa Puerto Princesa

Hiniling ni konsehal Elgin Damasco sa City Council na ipatawag ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan, kaugnay sa rocket debris ng China na bumagsak umano sa karagatang sakop ng Puerto Princesa.

Aniya, wala pa ring pahayag dito ang gobyerno ng pilipinas kaya nais nitong ipatawag sa kaukulang komite ng Sangguniang Panlungsod upang makapagbalangkas ng nararapat na resolusyon.

Dagdag pa ng konsehal, hindi maisasantabi ang kaligtasan ng tao dahil noong taong 2020 ay nagpasabog umano ng racket ang China at ang debris ay napunta sa isang village ng ivory coast na posibleng mangyari sa lungsod.

Lumalabas naman aniya sa mga international news na bumagsak ang debris sa 119 degrees east longitude at 9.1 degrees north latitude sa southeast na karagatang sakop ng Puerto Princesa City.

Samantala, na-i-refer naman sa Committee on Peace and Order ang kanyang kahilingan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *