Konstruksiyon ng bumagsak na tulay sa isang sitio sa Palauig, tatapusin agad

PALAUIG-Minamadali ng Lokal na Pamahalaan ang pagsasaayos at konstruksyon ng bumagsak na tulay sa Sitio Caslagan, Barangay Locloc, Palauig.

Ito ay upang madaanan ng maayos ang tulay at maipagpatuloy ang normal na kalakaran ng buhay sa sitio.

Matatandaang nakaraang May 24 bumagsak ito nang daanan ng truck na may kargang buhangin.

Nangako naman ang kompanyang nagmamay-ari ng truck na tutulong din sa pagsasaayos ng tulay.

Sa ngayon pansamantalang nalagyan ng tawiran ang mga residente sa lugar habang inumpisahan na agad ng lokal na pamahalaan ang konstruksiyon nito.

Nagbigay na rin ang Provincial Engineering Office ng mga bakal na magagamit sa konstruksyon.

Ayon kay Mayor Billy Aceron kung di kaagad nalagyan ng tawiran ang mga tao ay araw-araw itong sasakay ng bangka sa paglabas sa sitio.

Inaasahan naman ilang buwan pa matatapos ang inaayos na Caslagan Bridge.//Russell Banawa-BNFM IBA

Photo Courtesy: Rose Ann Abaga Paradeza 

May be an image of 2 people and text that says '6 Garlic in you life Reasons to have Power Cells HERBAL CAPSULE Tuldukan ang sakit! It has antifungal properties It can prevent and treat common viruses Power Cells It is an effective sexual enhancer Itis great repellent It help with pest control It protects the heart'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *