Local News

Konstruksyon ng Inararan bridge, planado na

Hinihintay na lang ng Pamahalaang Panlalawigan ang ‘program of work’ para sa gagawing konstruksyon ng Inararan bridge sa bayan ng Bulan, Sorsogon ito ang naging pahayag ng Information Officer ng lalawigan na si Ginoong Dong Mendoza.

Una nang inihayag ni Gov Edwin ‘Boboy’ Hamor sa LGU-Bulan noong Lunes, nang dumalo ito sa flag raising ceremony, na ang konstruksyon ng nasabing tulay ay magiging pangunahing proyekto ng kanyang administrasyon.

Matatandaan na sa isinagawang Prov’l Development Full Council meeting na pinangunahan ng gobernador noong buwan ng Setyembre, kabilang sa 2023 Annual Investment Program ng probinsya ang pagsasaayos ng nabanggit na tulay.

Aabot sa apat hanggang limang barangay at libo-libong residente ang mabebenipisyuhan sa konstruksyon ng nasabing tulay.

Kung babalikan, matagal na na panahon na inirereklamo ng mga residente ng Brgy Inararan ang sirasirang tulay, kung kaya’t noong panahon ng yumaong 2D Congresswoman Ditas Ramos ay pinaayos ito at temporaryong kahoy muna ang inilagay para may madaanan ang mga residente habang hinahanapan pa ng pondo.

Noong panahon naman ni Gov Chiz Escudero, naaprubahan ng Provl Development Council ang budget para sa 2022 programs and projects at kabilang dito ang konstruksyon ng Inararan Bridge.

Maliban sa Inararan bridge sa bayan ng Bulan ay nakalinya rin sa full implementation ng 7K program ang pagpapatayo ng Second District Provincial Hospital, Home for the Homeless Gays, Housing Project sa lahat ng mga munisipyo, mga Development Projects katulad ng 15 Model barangays, poblacion at downtown areas, pagbili ng mga heavy equipment at 12 ambulansya at mga sasakyan para sa implementasyon ng 7K programs.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

23 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

23 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

23 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

23 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

23 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

23 hours ago