Bawal nang ipasok sa bayan ng Magallanes, Sorsogon ang mga buhay na baboy, karne nito at processed pork products mula sa ibang lugar.
Batay sa Memorandum Circular No. 143-2022 na ipinalabas ng opisina ng alkalde na si Maria Elena Ragrario, tanging mga baboy lamang na galing mismo sa loob ng bayan ang puwedeng katayin at ibenta sa kanilang Pamilihang Bayan.
Kukumpiskahin rin ang mga local at imported processed pork products na walang kaukulang dokumento at ang mga produktong galing sa mga lugar na may kumpirmadong kaso ng Afriacan Swine Fever o ASF.
Kailangan din na magsumite ng mga vendors, butchers at mga nagdadala ng mga baboy sa slaughterhouse ng Certificate of Origin mula sa kanilang mga barangay.
Papatawan naman ng karampatang parusa, kabilang ang pagrevoke ng business permits ang mapatutunayang lumabag sa nasabing kautusan.
Simula bukas ay maguumpisa na ang 'Car-free Sundays' sa Maynila, 'o 'yung pagbabawal sa mga…
Wala umanong itinatago si dating Philippine National Police (PNP) chief Retired PGen. Oscar Albayalde sa…
Sinagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang naging paratang ni…
Tumama sa earth ang pinakamalakas na solar storm sa nakalipas na 2 dekada. Dahil dito…
Ibinunyag ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang…
Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng isang 10-anyos na…