Konstruksyon ng multi-purpose building sa isang barangay sa Daraga, Albay, posible na umanong simulan

LEGAZPI CITY – Posible na umanong masimulan ang konstruksyon ng Multi-Purpose Building sa Brgy. Dela Paz, bayan ng Daraga Albay sa susunod na mga buwan dahil mayroong budget na inilaan para sa proyektong ito.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), aabot sa P400M ang halaga ng multi-purpose building na ito na mayroong 6,000 square meters floor area, 10,000 lot area, at may seating capacity na mahigit sa 3,000 katao.

Isa umano itong one-storey multi-purpose training at instructional facility na magsisilbing venue sa mga pagpupulong, conferences, educational at sports activities para sa mga residente ng bayan.

Kung matatandaan, personal na bumisita sa lugar si House Speaker Martin Romualdez at iba pang opisyal ng DPWH at lokal na pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *