Kontrobersyal na police official, nakalaya na matapos makapag piyansa

Nakalaya na matapos makapagpiyansa si  PLt Col. Mark Julio Abong.

Ito’y makaraang payagan siya ng  RTC branch 221 at MTC branch 31 ng Quezon City na makapagpiyansa  ng Php 177, 000.00.

Para ito sa mga kasong illegal discharge of firearm, paglabag sa gun ban sa ilalim ng Omnibus Election Code, maltreatment, at direct assault na isinampa laban sa kanya ng Quezon City Policr District  makaraang mag-amok at  magpaputok ng baril sa isang bar sa Quezon City kamakailan.

Nabatid na mag aalas kuwatro kahapon ng hapon nang i-release sa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD ang nabanggit na pulis.

Nauna nang ipinatanggal ng  People’s Enforcement Board si Abong dahil sa insidente ng hit and run na ikinamatay ng isang tricycle driver noong 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *