Kontruksyon ng San Pablo-Sta. Luciana Bridge sa Cauayan City, nagsimula na

Umarangkada na ang ang konstruksyon ng Sta. Luciana- San Pablo Gov. BGDY Bridge sa lungsod ng Cauayan.

Ito ay bilang alternatibong tulay sa Alicaocao Bridge dahil wala ng tyansang ipataas pa ang tulay dahil sa malambot nitong lupa sa ibaba batay narin sa isinagawang feasibility study ng Department of Public Works and Highways o DPWH.

Matatandaan na naglaan ang National Economic and Development Authority o NEDA ng inisyal na  120 million na pondo sa naturang ipapatayong tulay.

Ang San Pablo Sta. Luciana Gov. BGDY ay tinatatayang nasa 350 meters ang haba nito na nagdudugtong sa nasabing mga barangay ng lungsod.

Inaasahan din ipapatayo ang isa pang tulay na nagdudugtong naman sa Brgy. Cabaruan at Mabantad.

Layunin ng proyektong ito na mapabilis at maayos ang transportasyon lalo na sa mga residente ng naturang mga barangay.

Photo Upgrademag.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *