Kooperasyon ng AFP at US INDOPACOM, mas pinagtibay

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Indo-Pacific Command (USINDOPACOM) na patuloy ang pagtutulungan ng dalawang pwersa.

Sa pulong ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. at USINDOPACOM Commander Admiral John Aquilino sa Camp Aguinaldo, napag-usapan ang nalalapit na Balikatan Exercise, maritime cooperative activities, at Enhanced Defense Cooperation Agreement sites projects.

Tinalakay din ng dalawang opisyal ang pagpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng mga “like-minded nations” para isulong ang rules-based international order at ligtas at bukas na Indo-Pacific Region.

Ang pagpupulong ng dalawang opisyal ay pagpapakita ng pangako ng AFP sa kaalyado nito na tiyakin ang mataas na antas na koordinasyon at isulong ang mga programa na magpapalakas ng kanilang interoperability.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *