Koordinasyon sa mga awtoridad, panawagan ng PNP Garchitorena sa mga turista ngayong Summer Vacation

NAGA CITY – Makipag-ugnayan sa mga awtoridad: ito ang panawagan ngayon ng PNP Garchitorena sa lahat ng mga turistang nagpaplanong bumisita sa isla ngayong summer vacation.

Ayon kay Police Executive Master Sergeant Elogio Biando, ang tagapagsalita ng nasabing himpilan, ang hakbang na ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista at makapagbigay ng karagdagang payo o abiso tungkol sa nais puntahang isla, at tamang transportasyon patungo rito.

Pinaalalahanan din ng opisyal ang mga eskursyunista ngayong summer vacation na mag-ingat sa mga pupuntahang beach at ipagpaliban muna ang paglalayag lalo na kung maalon upang makaiwas sa aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *