Koordinasyon sa pagitan ng DOH at PHO mas magiging mabilis kapag natapos na ang ginagawang opisina ng una sa CNPH ground

CAMARINES NORTE – Naniniwala si Department of Health (DOH) Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola na mas magiging mabilis ang koordinasyon sa pagitan nila at ng Provincial Health Office kapag natapos na ang ginagawang opisina ng una sa Camarines Norte Provincial Hospital Ground.

Ayon kay Iraola, ang kagandahan pa nito ay magiging one stop shop na para sa mga health concerns dahil ang Provincial Office ng DOH ay malapit na malapit na sa Provincial Health Office.

Mas mabilis aniyang makakatugon ang kanilang opisina kung kakailanganin ng probinsiya ng technical assistance mula sa kanila.

Kapag fully completed na ang itinatayong Provincial Office ng DOH ay mayroon itong garahe, conference room at may kaniya- kaniya ring espasyo ang iba’t ibang section.

Matatandaan na Nobyembre noong nakatalikod na taon ng magkaroon ng groundbreaking sa itinatayong opisina ng DOH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *